Gabay ng Wika
Friday, November 27, 2015
Alamat ng Malamyang Lalaki
Alamat ng Malamyang Lalaki
Isang araw sa bayan ng Chararat may isang batang nangangalang Bak-al siya ay sobrang matigas ang ulo kahit anong iutos mo sa kanya ay ayaw sumunod lagi nalang siyang naglalaro at tamad sa pag-aaral isang gabi galing sa trabaho ang kanyang nanay pagod at mukhang may sakit tinatawag niya si Bak-al at kahit anong sigaw ng kanyang ina ay parang wala lang siyang naririnig ng hindi niya ito naririnig ay pinuntahan niya ang kanyang ina at nakita niyang nakahiga lang pala ito wala pa lang nangyari sabi ni Bak-al at biglang sumigaw ang kanyang ina na sana'y maging malambot ka at kahiya-hiya kinabukasan ay nagulat si Bak-al at ang nanay niya dahil nangyari ang sinabi nito , simula noon ay naging malamyana si Bak-al at paglumalabas ito tinatawag siyang malamya, malamya atsa kasulukuyan tinatawag na bakla.
Lampin
Lampin
Si Meldrick Jake R. Carabeo na binansagan namin ng "MJ" ay ipinanganak noong Pebrero 12, 2003 sa Amisola Maternity Hospitalng sesaryan. Siya ay panganay at noong siya ay ipinanganak na malaki. mabait at malambing siya na bata. Noong maliit pa siya sa tuwing siya ay dedede sa bote palagi niyang hinahanap ang lampin niya, hindi pwede na walang lampin dahil habang dumedede siya ay, tititigan at paiikot-ikutin niya ang lampin habang hawak ang bawat dulo nito hanggang sa makatulog siya. Habang lumalaki siya ay nagiging mas lalong mabait at masunuring bata siya. Hindi siya masyadong mahilig sa matamis at sa matatabang pagkain. Kapag walang pasok ay naglalaro lang siya sa PS4 o sa "cellphone", pero sinisigurado naman niya na tapos ang lahat ng kailangan niyang gawin para sa eskuwelahan. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng mabuti at mabait na anak.
By:Meldrick Carabeo
Alamat ng Alamat
Alamat ng Alamat
Isang araw mayroong isang napakasinungaling na tao. Mahilig siyang magkwento ng mga bagay-bagay. Isang gabi mayroong mga grupo ng mga magnanakaw na nagnakaw ng mga pinaglilibangan ng mga tao. Pagkagising nila ay wala na silang magawa. Biglang dumating yung taong napakasinungaling at pinakinggan na nila ang kwento niya at natuwa sila, simula noon yaon na ang pinagkakaabalahan nila at tinawag nila itong alamat.
By: Meldrick Carabeo
By: Meldrick Carabeo
Thursday, November 26, 2015
Pagbuo ng Organisadong Talata
PAGBUO NG ORGANISADONG TALATA
Ang talata ay binubuo ng mga pangungusap na may kaugnayan sa isang paksa. Kinapapalooban ito ng pangunahing kaisipan na ipinahahayag ng pamaksang na pangungusap na karaniwang nasa unahan ng talata. Kung minsan ito ay nasa gitnang bahagi o hulihan ng talata.
Ang talata ay binubuo ng tatlong bahagi : ang simula, gitna o katawan, at ang wakas.
Ang simula ng talata ay nararapat na nakapupukaw sa kawilihan ng mambabasa . ang ilang paraang maaaring magamit ay:
1. Isang makatawag pansing pangungusap.
2. Isang sipi, maaaring salawikain, sawikain o pahayag.
3. Isang katanungan.
4. Isang pangungusap na kinapapalooban ng buong kaisipan o ipaliliwanag na suliranin.
5. Isang usapan/salitaan.
Sa gitnag bahagi naman pinagsasama-sama ang magkakaugnay-ugnay na kaisipan.
Ang wakas naman ng talata ay maaaring:
1) Mag-iwan ng katanungan sa mababasa batay sa paksa ng talata.
2) Paglalagom ng kabuuang-kaisipan ng talata.
3) Maaaring ulitin o sariwain ang kawikan o salawikaing ginamit at suliraning nabanggit.
4) Maaaring gumawa ng panghuhula kaugnayan sa paksa.
5) Maaaring gumamit ng angkop na sipi.
Halimbawa:
Kilala mo ba si Paolo Rivera? Siya ang Captain Ball at Star Player ng lsrong basketball sa paaralan. Ang husay niyang maglaro. Bukod pa niyan, siya ay palakaibigan. Hindi siya suplado at madaling lapitan, kaya marami siyang tagahanga. Maging ang kanyang mga guro ay natutuwa sa kaanya. Hindi siya pabaya sa pag-aaral. Iyan si Paolo Rivera, ang estudyanteng dapat igalang at hangaan.

Mga Pahayag na Nagsasaad ng Damdamin
MGA PAHAYAG NA NAGSASAAD NG DAMDAMIN
Ang pakikipag-usap ay isang paraan upang tayo ay makipag-ugnayan sa ating kapwa.
Inuunawa natin ang mensahe at nilalaman ng kanyang sinasabi, gayun din naman ang ating kausap , inuunawa niya kung ano ang ating inilalahad. Kasabay sa pagsasalita, nakakabuo tayo ng mga pahayag na nagpapahiwatig ng ating saloobin. Naipadarama natin ang ating damdamin, kung tayo ay nagagalit, natutuwa naiinis o nalulungkot.
Halimbawa:
1. Ano! Nawawala ang cellphone mo.
2. Sino! Bakit ngayon lang?
3. Naku! Tanghali na.

Subscribe to:
Posts (Atom)