Thursday, November 26, 2015

Pagbuo ng Organisadong Talata

PAGBUO  NG  ORGANISADONG  TALATA

          Ang talata ay binubuo ng mga pangungusap na may kaugnayan sa isang paksa. Kinapapalooban ito ng pangunahing kaisipan na ipinahahayag ng pamaksang na pangungusap na karaniwang nasa unahan ng talata. Kung minsan ito ay nasa gitnang bahagi o hulihan ng talata.
Ang talata ay binubuo ng tatlong bahagi : ang simula, gitna o katawan, at ang wakas.
Ang simula ng talata ay nararapat na na
kapupukaw sa kawilihan ng mambabasa . ang ilang paraang maaaring magamit ay:
1. Isang makatawag pansing pangungusap.
2. Isang sipi, maaaring salawikain, sawikain o pahayag.
3. Isang katanungan.
4. Isang pangungusap na kinapapalooban ng buong kaisipan o ipaliliwanag na suliranin.
5. Isang usapan/salitaan.
Sa gitnag bahagi naman pinagsasama-sama ang magkakaugnay-ugnay na kaisipan.
Ang wakas naman ng talata ay maaaring:
1) Mag-iwan ng katanungan sa mababasa batay sa paksa ng talata.
2) Paglalagom ng kabuuang-kaisipan ng talata.
3) Maaaring ulitin o sariwain ang kawikan o salawikaing ginamit at suliraning nabanggit.
4) Maaaring gumawa ng panghuhula kaugnayan sa paksa.
5) Maaaring gumamit ng angkop na sipi.
Halimbawa:
          Kilala mo ba si Paolo Rivera? Siya ang Captain Ball at Star Player ng lsrong basketball sa paaralan. Ang husay niyang maglaro. Bukod pa niyan, siya ay palakaibigan. Hindi siya suplado at madaling lapitan, kaya marami siyang tagahanga. Maging ang kanyang mga guro ay natutuwa sa kaanya. Hindi siya pabaya sa pag-aaral. Iyan si Paolo Rivera, ang estudyanteng dapat igalang at hangaan.

No comments:

Post a Comment