Thursday, November 26, 2015

Talambuhay

tAlambuhay

        Ito ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay o naglalahad ng buhay ng isang tao. Tinatawagan na talambuhay ng pang iba kung ang may akda ang naglalahad ng mga ginagawa at mga pangyayari sa buhay ng ibang tao. Kung isinusulat naman ng may akda ang tungkol sa kanyang buhay, it to ay sinasabing talambuhay na pansarili.
        May dalawang paraan ng pagsusulat ng talambuhay. Una. Ang karaniwang paraan na pumapaksa sa mga pangyayari sa buhay ng taong sinulat. Dito'y maaaring banggiting ang kanyang pagsilang, mga magulang, pag-aaral, at mga tinamong karangalan o mga tampok na nagawa.

          Ang ikalawang paraan ay palahad. Ang pokus, nito ay ang kanyang mga layunin, simulain at mga kaisipan na may kaugnay sa kanyang pagtatagumpay o pagkabigo.

No comments:

Post a Comment