TEMA
Ito'y pangunahing kaisipan ng isang akda, maaaring isang alamat, maikling kwento, tula, nobela, o kwento ng isang pangkalahatang masid ng may akda sa buhay na nais niyang ipahatid sa mga mambabasa. Hindi ito dapat na ipagkamali sa aral o sermon. Hindi tama na sabihing ang tema ng akda ay tungkol sa pagiging ina. Ito'y masasabing paksa lamang. Ganito dapat ilahad ang tema "Tunay na mahirap ang pagiging ina, subalit ang kaligayahan natatamo rito ay hindi matatawaran."
No comments:
Post a Comment