Friday, November 27, 2015

komiks mj

                                 




                                                                                     By: Meldrick Carabeo

KOMIKS JECHO


                                                     




                                                                                                          BY:JERICHO MESOLANIA

Alamat ng Malamyang Lalaki

 

                                                                               

                                  Alamat ng Malamyang Lalaki

               Isang araw sa bayan ng Chararat may isang batang                    nangangalang Bak-al siya ay sobrang matigas ang ulo                            kahit anong iutos mo sa kanya ay ayaw sumunod lagi                            nalang siyang naglalaro at tamad   sa pag-aaral isang gabi                    galing sa trabaho ang kanyang nanay pagod at mukhang                      may sakit tinatawag niya si Bak-al at kahit anong sigaw ng                  kanyang ina ay parang wala lang siyang naririnig ng hindi                  niya ito naririnig ay pinuntahan niya ang kanyang ina at                      nakita niyang nakahiga lang pala ito wala pa lang nangyari                  sabi ni Bak-al at biglang sumigaw ang kanyang ina na                          sana'y maging malambot ka at kahiya-hiya kinabukasan ay                  nagulat si Bak-al at ang nanay niya dahil nangyari ang                          sinabi nito , simula noon ay naging malamyana si Bak-al at                  paglumalabas ito tinatawag siyang malamya, malamya atsa                  kasulukuyan tinatawag na bakla. 

                     

                                                                                                                Prepared by: Jericho Mesolania                                              

Lampin

 
                                             Lampin

                Si Meldrick Jake R. Carabeo na binansagan                       namin ng "MJ" ay ipinanganak noong Pebrero 12, 2003 sa        Amisola Maternity Hospitalng sesaryan. Siya ay panganay        at noong siya ay ipinanganak na malaki. mabait at                      malambing siya na bata. Noong maliit pa siya sa tuwing siya      ay dedede sa bote palagi niyang hinahanap ang lampin niya,      hindi pwede na walang lampin dahil habang dumedede siya        ay, tititigan at paiikot-ikutin niya ang lampin habang hawak      ang bawat dulo nito hanggang sa makatulog siya. Habang          lumalaki siya ay nagiging mas lalong mabait at masunuring        bata siya. Hindi siya masyadong mahilig sa matamis at sa          matatabang pagkain. Kapag walang pasok ay naglalaro lang      siya sa PS4 o sa "cellphone", pero sinisigurado naman niya        na tapos ang lahat ng kailangan niyang gawin para sa                  eskuwelahan. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng mabuti at      mabait na anak.

                                                                               
                                                                                                                                By:Meldrick Carabeo

Alamat ng Alamat

                                   

                                Alamat ng Alamat

                Isang araw mayroong isang napakasinungaling na tao.             Mahilig siyang magkwento ng mga bagay-bagay. Isang gabi             mayroong mga grupo ng mga magnanakaw na nagnakaw ng             mga pinaglilibangan ng mga tao. Pagkagising nila ay wala na           silang magawa. Biglang dumating yung taong                                   napakasinungaling at pinakinggan na nila ang kwento niya at           natuwa sila, simula noon yaon na ang pinagkakaabalahan nila at       tinawag nila itong alamat.

          

                                                               By: Meldrick Carabeo

Thursday, November 26, 2015

Pagbuo ng Organisadong Talata

PAGBUO  NG  ORGANISADONG  TALATA

          Ang talata ay binubuo ng mga pangungusap na may kaugnayan sa isang paksa. Kinapapalooban ito ng pangunahing kaisipan na ipinahahayag ng pamaksang na pangungusap na karaniwang nasa unahan ng talata. Kung minsan ito ay nasa gitnang bahagi o hulihan ng talata.
Ang talata ay binubuo ng tatlong bahagi : ang simula, gitna o katawan, at ang wakas.
Ang simula ng talata ay nararapat na na
kapupukaw sa kawilihan ng mambabasa . ang ilang paraang maaaring magamit ay:
1. Isang makatawag pansing pangungusap.
2. Isang sipi, maaaring salawikain, sawikain o pahayag.
3. Isang katanungan.
4. Isang pangungusap na kinapapalooban ng buong kaisipan o ipaliliwanag na suliranin.
5. Isang usapan/salitaan.
Sa gitnag bahagi naman pinagsasama-sama ang magkakaugnay-ugnay na kaisipan.
Ang wakas naman ng talata ay maaaring:
1) Mag-iwan ng katanungan sa mababasa batay sa paksa ng talata.
2) Paglalagom ng kabuuang-kaisipan ng talata.
3) Maaaring ulitin o sariwain ang kawikan o salawikaing ginamit at suliraning nabanggit.
4) Maaaring gumawa ng panghuhula kaugnayan sa paksa.
5) Maaaring gumamit ng angkop na sipi.
Halimbawa:
          Kilala mo ba si Paolo Rivera? Siya ang Captain Ball at Star Player ng lsrong basketball sa paaralan. Ang husay niyang maglaro. Bukod pa niyan, siya ay palakaibigan. Hindi siya suplado at madaling lapitan, kaya marami siyang tagahanga. Maging ang kanyang mga guro ay natutuwa sa kaanya. Hindi siya pabaya sa pag-aaral. Iyan si Paolo Rivera, ang estudyanteng dapat igalang at hangaan.

Mga Pahayag na Nagsasaad ng Damdamin

MGA PAHAYAG  NA  NAGSASAAD  NG DAMDAMIN

          Ang pakikipag-usap ay isang paraan upang tayo ay makipag-ugnayan sa ating kapwa.
Inuunawa natin ang mensahe at nilalaman ng kanyang sinasabi, gayun din naman ang ating kausap , inuunawa niya kung ano ang ating inilalahad.
      Kasabay sa pagsasalita, nakakabuo tayo ng mga pahayag na nagpapahiwatig ng ating saloobin. Naipadarama natin ang ating damdamin, kung tayo ay nagagalit, natutuwa naiinis o nalulungkot.
Halimbawa:
1. Ano! Nawawala ang cellphone mo.
2. Sino! Bakit ngayon lang?
3. Naku! Tanghali na.

Tema

TEMA 

         Ito'y pangunahing kaisipan ng isang akda, maaaring isang alamat, maikling kwento, tula, nobela, o kwento ng isang pangkalahatang masid ng may akda sa buhay na nais niyang ipahatid sa mga mambabasa. Hindi ito dapat na ipagkamali sa aral o sermon. Hindi tama na sabihing ang tema ng akda ay tungkol sa pagiging ina. Ito'y masasabing paksa lamang. Ganito dapat ilahad ang tema "Tunay na mahirap ang pagiging ina, subalit ang kaligayahan natatamo rito ay hindi matatawaran."

Dalawang uri ng Tauhan

DALAWANG  URI  NG  TAUHAN

          Ang tauhang bilog ay tauhang nagbabago ang pag-uugaling ipinapakita sa kwento. Nagiging maamo ang dating malupit o mabagsik o ang likas na makasalananay magiging banal.
Ang tauhang lapad naman ang tawag sa tauhang hindi nagbabago. Kung ano ang ugaling ipinakita niya sa simula hanggang sa wakas ay ganoon pa rin.

Pahayag na Nagsasalaysay at Nagtatanong


PAHAYAG  NA  NAGSASALAYSAY  AT  NAGTATANONG

          Layunin ng pahayag na nagsasalaysay na magbahagi ng kaalaman sa kinakausap at maibigay ang mahalagang detalye ng maayos na paraan.
Halimbawa:
1) Ipinaliwanag ng guro ang tunay na pangyayari .

2) Naniwala ang mga magulang kaya natutuwa silang umalis.
3) Kaagad binago ng mag-aaralang pamamaraan ng panghihiram ng gamit.
Ang mga pahayag na nagtatanong ay may layuning manghingi ng kaalaman o impormasyon sa kanyang kinakausap.
Halimbawa:
1) Paano nagsimula ang kwento?
2) Sino ang nakilala mo?
3) Bakit siya biglang umalis?

Kwentong Pambata

KWENTONG  PAMBATA

          Ang kwentong pambata ay sadyang isinulat upang magbigay-aliw at mag-iwan ng magandang mensahe/pagpapahalaga na magagamit ng mga bata sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Mga katangian:

  •  Magaan lamang ang paksa; akma sa karanasan ng bata.
  • Simple lamang ang mga salitang ginagamit.
  •  Sadya itong isinulat para sa mga bata.
  •  Magaan ang istuktura ng pagkakasulat.

Talambuhay

tAlambuhay

        Ito ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay o naglalahad ng buhay ng isang tao. Tinatawagan na talambuhay ng pang iba kung ang may akda ang naglalahad ng mga ginagawa at mga pangyayari sa buhay ng ibang tao. Kung isinusulat naman ng may akda ang tungkol sa kanyang buhay, it to ay sinasabing talambuhay na pansarili.
        May dalawang paraan ng pagsusulat ng talambuhay. Una. Ang karaniwang paraan na pumapaksa sa mga pangyayari sa buhay ng taong sinulat. Dito'y maaaring banggiting ang kanyang pagsilang, mga magulang, pag-aaral, at mga tinamong karangalan o mga tampok na nagawa.

          Ang ikalawang paraan ay palahad. Ang pokus, nito ay ang kanyang mga layunin, simulain at mga kaisipan na may kaugnay sa kanyang pagtatagumpay o pagkabigo.

Wednesday, November 25, 2015

Ang Tunggalian

                                

                                      Ang Tunggalian

        Ito ay ang labanan sa pagitan ng dalawang magkasalungat na puwersa.

Mga uri ng tubggalian:
1. Tao laban sa kalikasan
2. Tao laban sa kalamidad
3. Tao laban sa kapwa
4. Tao laban sa sarili

Halimbawa:
1. Tao laban sa kalikasan
     Halimbawa:
             Ang sobrang init o lamig ng panahon ay dapat na labanan ng tao upang siya'y mabuhay nang maayos makaiwas sa sakit.

2. Tao laban sa kalikasan
        Maraming kalamidad ang kalaban ng tao tulad ng baha, lindol at sunog na kadalasan ay pinagbubuwisan ng buhay.
3. Tao laban sa kapwa
        Madalas na nagkakaroon ng paglalaban sa pagitan ng tao at ng kanyang kapwa nakalimitang resulta ay gulo at patayan.
4. Tao laban sa sarili
        Ito ay tunggaliang nagaganap sa isipan ng tao
        Halimbawa:
        Nilalabanan ng anak ang takot na maaaring mangyari kung mamamatay o mawawala ang kanyang mga magulang na may sakit.

Sanhi at Bunga

Sanhi at Bunga

       Ginagamit sa pakikipagtalastasan ang pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga.
       Sa pagbibigay ng sanhi at bunga, ginagamit ang mga panandang dahil sa, dahil kay at sanhi at upang mailahad nang malinaw at maayos ang dahilan ng pangyayari.
Halimbawa:
       Dahil sa lubhang pagpapahalaga sa makinis na kutis/bumibili siya ng mga produktong mangangalaga sa kutis niya.